Urban Poor is Lovery!

Mga dahilan kung bakit dapat kang bumili:

  1. Pangit ka. Bili ka na para ‘di ka na pangit. Kung ‘di ka pangit, uhh,HAHAHA!
  2. Porsyento ng kikitain ay idodonate sa mga masasalanta ng ika-100th na bagyo starting from Pepito.
  3. Limited lang sya. Gusto mo ba mapabilang sa fab circle of friends?
  4. Gawang kamay yun design. Pramis. Hindi ginamitan ng mga kung anu-anong graphic design tools/aid.
  5. Busilak ang kalooban ng gumagawa ng design. At hindi pera ang nasa isip nila sa paglunsad ng pausong shirt project na ‘to. Nais lang talaga nilang ipamahagi na kahit drowing pambata lang,eh…
  6. Matutunan mo gamitin ang salitang ‘yay!’ sa everyday life mo kapag suot mo sya. Yay!
  7. Dahil binebenta nila. Hindi ka naman bibili ng hindi binebenta,’di ba?
  8. Para may fab friends ka na anti-social.
  9. Para matalo natin ang popularity ng Team Manila sa graphic design. Yay! Syempre, seryoso ‘to. Joke.
  10. You find statement tees jologs. Aww, cute. Tsaka dahil sabi pala ni God.

Mga dahilan kung bakit ‘di ka dapat bumili.

  1. Isa kang amoeba.
  2. Brand-conscious at social climber ka. Feel mo fab ka na dahil branded suot mo kahit ‘di naman sya artsy.
  3. Tatakbo ka sa pagka-presidente ng bansa natin.
  4. Ikaw si God. (omg!)
  5. Wala kang naintindihan sa lahat nang nakasulat dito dahil ikaw ay Eskimo.
  6. Isa kang Antartican
  7. Maeexplain mo s’men gamit ang quantum physics kung bakit ‘di ka dapat bumili.
  8. Nagbabalak kang i-plagiarize na lang ang design namin at mag-produce ng sariling shirt.
  9. Gusto mong magpa-cool lang.
  10. Fan ka ng Twilight.